Search
  • BULGAR

10 pangunahing mali sa kalusugan ng isang lalaki

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 4, 2020




1. Labis na alak.

Bagamat ang mga kababaihan ay marunong na ring uminom ng alak ngayon, pero lalaki pa rin ang siyang pinakamalakas na tumoma at dahil diyan mas mataas pa rin ang antas ng alcohol-related deaths at pagkakaospital ng mga lalaki dahil sa kalasingan. Ang pag-inom ng alak ay hindi lang nakaapekto sa mahabang panahon sa kalusugan kundi bibilis din ang pagtaba at pagbigat ng timbang ng lalaki. Para maingatan ang kalusugan, mahalaga na manatili sa patikim-tikim lang na inom ng alak.

2. Ang pag-iwas na magpatingin sa doctor.

Sa pagsasaliksik, sa men’s health forum, lumabas na ang kalalakihan ay 20% na ayaw na bumisita sa doctor, sa kabila ng katotohanan na mas maigsi diumano ang buhay nila kaysa sa kababaihan at mas medaling magka-cancer. Habang ang pagbisita sa doktor ay bihirang nakarerelaks na karanasan, pero kapag naagapan ang isang sakit ay mas mainam kapag na-diagnose nang mas maaga, kaya huwag nang balewalain ang sintomas na ito at magpa-doktor na.


3. Ang pagbabalewala sa pagsusuri sa sarili.

Tulad ng pagbisita sa doktor, maraming lalaki ang umiiwas na gawin ang kailangang health self-checks dahil natatakot, tumatangging baka peligroso na ang kalagayang kalusugan o nalilito na sa gagawin. Gayunman, mahalaga pa rin na masuri ng lalaki ang sarili nang regular lalo na sa nakaambang testicular cancer o nagsisimulang sakit, lalo na ang nasa middle-age men. Kung di ka tiyak kung paano susuriin ang sarili, bumisita sa website para makita ang tips na kailangan laban sa anumang nararamdaman.


4. Dinidibdib ang lahat ng bagay.

Sa kabuuan, mas maramdamin ang lalaki kaysa sa babae at hindi nagsasalita kumpara sa kababaihan na mapaglabas ng damdamin, nagpapahayag ng emosyon o humihingi agad ng tulong at suporta. Kaya naman, ang lalaki ang siyang unang nada-diagnose ng depresyon at 77 percent na nagpapatiwakal.

Ang mga depressed na kalalakihan ay dobleng bumaling sa alak at pagdo-droga. Ang pagtatago ng galit ay delikado sa kalusugan ng lalaki, kaya tumataas ang peligro na atakihin sa puso.


5. Nai-stress agad sa trabaho.

Ang babae at lalaki ay parehong hantad sa workplace stress, ayon sa survey ng 3,000 manggagawa, apat na beses ang lalaki kaysa babae na umabsent sa trabaho dahil sa work related stress at doble rin ang pagkahaling sa alak.

At dahil sa workplace stress na matindi, nade-depressed siya, nagkakasakit sa puso at nai-stroke, mahalagang humanap agad ng pampagaan ng damdamin at maalis ang stress, kausapin ang boss, magbago ng trabaho o maghanap ng propesyonal na tagapayo.


6. Hindi nagsesepilyo ng ngipin.

Ayon sa pag-aaral, tanging 66 percent ng lalaki ang nagsesepilyo ng ngipin ng twice a day kumpara sa 86 percent ng mga babae. Natuklasan din sa research na ang mga babae ay twice na regular ang dental checkups kaysa sa lalaki. Ang kabiguan na magpa-dentista ng lalaki ay masama sa ngipin at gilagid, ayon pa rin sa research na ang gum disease ay nagpapaangat sa peligro ng sakit sa puso at dementia.


7. Nagpapainit pa ng pampaligo.

Nae-enjoy ng maraming kalalakihan ang pagbababad sa tub, pero iyong gustong magkaanak kaagad, iwasan ang matagalang hot bath o hot showers. Sinabi sa research ng University of California, sa tatlong taon nilang pag-aaral na ang madalas maligo nang mainit ay nakapagpapabawas sa pertilidad ng lalaki. Katumbas nito ang matagal na paggamit ng laptops.

8. Hindi paglalagay ng sun cream o lotion.

At dahil karamihan sa lalaki ay hindi gumagamit nito kapag nahahantad sa araw, sila ang madalas na magkasakit ng cancer sa balat. May 52 % sa kababaihan ang gumagamit ng sun cream habang 37% lang ang sa kalalakihan. Sila kasi ang madalas sa mga outdoor sports, sa construction site o iba pang lakwatsa kaya dapat laging protektado ng mahahabang damit ang kanilang balat lalo na kapag nasa arawan at magpahid ng sun cream bago lumabas ng bahay.


9. Masamang bathroom hygiene.

Naghuhugas ka ba ng kamay matapos magbanyo? Ayon sa pag-aaral ng American Society for Microbiology and the Soap and Detergent Association, isa lang sa tatlong kalalakihan ang hindi! Yaaakkk! Natuklasan din na 1/3 ng mga lalaki ang naghuhugas ng kamay na may sabon. Ang hindi paghuhugas ng kamay ang pinakamabilis na paraan sa paglaganap ng mikrobyo at impeksiyon, kaya protektahan ang kalusugan ng loveones sa pagtiyak na nakapagsabong mabuti ng kamay bago lumabas ng banyo.

10. Pagkain ng fast food at pagkain sa higaan.

Sa ngayong kultura ng pagkain, marami ang conscious na sa kanilang timbang at umiiwas sa sobrang junkfood at partikular ito sa kalalakihan. Sa isang research, 47% ng lalaki ang kumakain sa fast food restaurant ng at least weekly, kumpara sa 35 percent ng babae. Sa rami ng asin na nakokonsumo ng katawan masama ito sa kalusugan kumpara sa home-cooked meals. Mahilig din silang kumain ng chichiria habang nanonood ng TV kaya naman nilalanggam ang kanilang puwesto at nagkakaroon sila ng kati-kati sa katawan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.