Search
  • BULGAR

10 imported horse sa Cojuangco Cup Sllp

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 12, 2020



Sampung kalahok ang maglalaban sa 2020 Philracom Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup sa araw ng linggo Nobyembre 15 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona,Cavite.


Ang mga kalahok ay pangungunahan ng Chance The Racer, Full Steam,Gomper Girl, National Pride, Pangulusian Island, Righteous Ruby, Sooner Time, Stella Malone,Viva Morena at Wonderland. May nakalaang P1.8-M premyo sa tatanghaling kampeon, makatatanggap ng P675,000 ang segunda,may nakalaang P375,000 ang 3rd place at P150,000 sa 4th place.


Kasabay nito makatatanggap ng P100,000 ang horse breeder sa mananalong kabayo.


Samantala sinabi ng Philippine Racing Club inc.,(PRCI),na nakahandang makipagtulungan sa imbestigasyon ng Games and Amusements Board (GAB). Gayundin, ang pagbabalik sa mga taya ng horseracing aficionados na naapektuhan sa bagong inilunsad na mobile off-track betting (MOTB) stations. Noong isang linggo sa huling naganap na karera sa Santa Ana race track nagkaroon ng kaonting problema sa pagmamadali na mai-launch ang MOTB.


"Gaya ng mga bagong platform, may problema sa umpisa. Ngunit ipinangako ng PRCI na nakahandang makipagtulungan sa GAB para ituwid ang lahat,” sabi ni PRCI racing manager Antonio Alcasid, Jr.


Right now, horseracing is allowed only once a week na pinaghahatian ng tatlong karerahan. Napakahirap ito sa isang club na gaya namin na nag-dedepende sa mga tao, sa mga taya. Sa tatlo kami na lang ang walang online platform. Kaya para makahabol kami, naiisipan ng PRCI na mag- develop ng online, MOTB,” sabi pa ni Alcasid.


Nakikipag-coordinate na sa GAB ang PRCI para sa gagawing inspection at para mabayaran 'yung mga taya na dapat bayaran."

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.