1-year old baby, patay matapos mapainom ng liniment oil ng ina

ni Jasmin Joy Evangelista | November 9, 2021

Patay ang isang taong gulang na sanggol sa Barangay Balcon Maravilla, Jordan, Guimaras, matapos aksidenteng napainom ng liniment oil ng kanyang ina.
Batay sa report, nagising umano ang sanggol dahil sa sakit ng tiyan ngunit naalimpungatan umano ang ina kaya hindi nito napansin na liniment oil ang napainom sa kanyang anak sa halip na gamot sa sakit ng tiyan.
Nadala pa ang sanggol sa ospital ngunit makalipas ang isang oras ay binawian din ito ng buhay.
Kaagad na inilibing ang bangkay ng biktima sapagkat nagpositibo rin ito sa COVID-19.
Napag-alaman pang birthday ng bata noong araw din na maganap ang insidente.





Comments