Search
  • BULGAR

$1.5 bilyon, ayuda ng FIFA sa mga apektado ng COVID

ni Anthony Servinio - @Sports | July 13, 2020




Tinatayang $1.5 bilyon ang ilalaan ng FIFA bilang ayuda para sa mga kasapi nito sa pandaigdigang laban sa COVID-19. Ang Philippine Football Federation (PFF) at ang iba pang mga pambansang samahan ay makatatanggap ng tig-$1 milyon o mahigit P50 milyon.


Maliban doon, may naghihintay pa na dagdag na $500,000 o P25 milyon para palawigin ang Football para sa kababaihan. Magpapatawag ng pulong ng PFF Board of Governors si PFF presidente Mariano Araneta para talakayin kung paano gagastusin ang halaga.


Ibibigay ang nasabing halaga sa loob ng dalawang hulugan. Gagamitin ito para maibsan ang epekto ng COVID-19 sa Football sa Pilipinas.


Noong ipinatupad ang quarantine noong Marso ay gumawa ng paraan ang PFF para mabigyan agad ng ayuda ang mga reperi, opisyal at staff na nawalan ng kabuhayan dahil walang mga torneo. “We have to give back to Football that’s why the FIFA Council approved all these grants, both FIFA and PFF are here to jumpstart Football in the country,” wika ni Araneta.


Samantala, nagpatupad ang PFF ng pagusuri para sa virus sa mga kawani nito at mga koponan na lalahok sa 2020 Qatar Airways Philippines Football League (PFL). Ito ang unang hakbang na kailangang gawin upang payagan na mag-ensayo muli bilang paghahanda sa liga na tinatayang magbubukas sa Agosto o Setyembre.


May panukala na gawin ang lahat ng ensayo at opisyal na laro sa PFF National Training Center sa Carmona, Cavite. Hindi muna makakanood ang publiko at magpapatupad ng mahigpit na health protocol.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.