top of page

Kahulugan ng namitas ng prutas sa likod-bahay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 10, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | January 10, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Esmer ng Taguig.


Dear Maestra,


Gustong-gusto ko ang column ninyo dahil ang sarap basahin at nagiging gabay ko talaga para makaiwas sa hindi magagandang pangyayari. Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na pumunta ako sa taniman namin ng mga gulay at prutas sa likod-babay.


Tapos namitas ako ng mga prutas at andami kong nakuhang oranges, kaya tuwang-tuwa ako.


Ano ang ibig ipahiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,


Esmer


Sa iyo, Esmer,


Maganda ang ibig sabihin ng panaginip mo na namitas ka ng prutas dahil ito ay nagpapahiwatig na makakamana ka ng ari-arian mula sa yumao mong mahal sa buhay.


Kung kulay berde pa ang napitas mo, matatagalan pa para mapasaiyo ang mamanahin mo at kung hinog na at sabi mo ay mga oranges ang nakuha mo, ito ay nangangahulugan ng nalalapit na paglalakbay kasama ng iyong mga kaibigan.



Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia De Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page