top of page

Ex-OFW na baon sa utang, makaka-jackpot sa lotto

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 13, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | October 13, 2023


Dear Maestro,


Isang akong OFW dati, noon ay maluwag at maunlad pa ang buhay namin. Pero, mula nang umuwi ako rito sa amin ay hindi na ko nakapag-hanapbuhay maski ang savings at naipundar namin ay naubos na rin. ‘Yung bahay at lupa na nabili ko ay malapit nang maremata ng bangko.


Sa ngayon, may edad na ako kaya hindi na ako puwedeng mag-abroad at bukod pa ru’n, marami na rin akong sakit na nararamdaman. Tanging pagtaya-taya na lang sa lotto ang inaasahan kong mag-aahon sa akin sa kahirapan.


Kaya sana, Maestro, mabigyan n’yo ako ng masuwerteng numero na dapat ‘kong tayaan upang maka-jackpot naman ako. February 13, 1975 ang birthday ko.


Umaasa,

Ador ng San Vicente, Calapan, Oriental Mindoro


Dear Ador,


Ang birthday mong13 o 4 (ang 13 ay 1+3=4) sa zodiac sign na Aquarius ay nagtataglay ng planetang Uranus-Pluto. Ibig sabihin, ito rin ang tunay na larawan ng kapalaran magaganap sa iyo, kung saan, matapos ka suwertehin at umunlad, nakatakdang daganan ka ng katakut-takot na problema at mga pagsubok. Ngunit, hindi ka dapat sumuko, dahil may katapusan din ang lahat ng ito.


Tunay ngang sa bandang huli mala-himala na biglang ka muling susuwertehin sa buhay; mala-dramatikong makakaahon hanggang sa magkaroon ka ng isang maligayang pamumuhay. Basta tulad ng nasabi na, ang mahalaga lang sa kasalukuyan ay ‘wag kang bibitaw o susuko sa bawat hamon ng kapalaran na dumarating sa iyo. ‘Ika nga tulad ng punong kawayan na hinipan ng malakas na hangin, bagama’t gumegewang-gewang, manatili ka pa ring matatag at matibay.


Samantala, bukod sa sarili mong numero na 1, 4, 13, 28 at 34, mapalad ka rin sa 11 at 16.


Ayon sa Numero-Compatibility, isang kaibigang isinilang sa zodiac sign na Libra o Gemini ang makakatulong sa iyong problemang pampinansyal upang maabsuwelto na ang iyong pagkakautang bago matapos ang taong ito ng 2023.


Upang masapul ang malaking halaga ng salapi na mapapanalunan sa lotto, maghanap ka ng lotto outlet na napapaligiran ng mga salamin o lotto outlet na 100% na yari sa salamin. Ang lotto outlet na nabanggit ang magpapatama sa iyo ng malaking halaga sa taon ding ito ng 2023 hanggang sa susunod na taong 2024 sa edad mong 48 pataas.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page