Mga Pinoy, magkaroon ng healthy lifestyle dahil sa COVID-19, ayos!
- Ka Ambo
- Apr 29, 2020
- 1 min read
Paluluwagin na ang lockdown ngayong Mayo.
Salamat sa Diyos!
◘◘◘
Walang pagkakaiba ang Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes at Sabado.
Lahat sila ay tila araw ng Linggo!
◘◘◘
MALUSOG ang bawat tao ngayon.
Ito ay dahil namamahinga sila nang 24/7.
Walang alcohol, walang yosi, walang junk food, walang puyat at walang aktibidad sa lahat ng bahay!
◘◘◘
MARAMI ang umiinom ng vitamins, binabantayan ang maintenance medicine, umiinom ng juices, nag-e-ehersisyo, maingat sa pagkain at nakababad sa gadgets.
Masaya ang mga tao sa pagti-TikTok!
◘◘◘
ITO ang pinakamasayang araw ng bawat pamilya.
May bonding ang mag-asawa, mag-ama, mag-ina at maglolo at maglola.
Mahabang bakasyon na walang tiyak kung hanggang kailan!
◘◘◘
LAHAT ng tao ay natutong magdasal.
Araw-araw ay nagyoyoga at nagma-mantra ang mga nilalang.
Iisa lang ang nakapasok sa kanilang isip, puso at kaluluwa: Kailan matatapos ang lockdown?
◘◘◘
TALIWAS sa ordinaryong tao, hindi nakakatulog nang maayos ang mga lider ng bansa.
Nakapatong sa kanilang balikat kung paano “lalamon” ang kanilang mamamayan!
◘◘◘
AMINADO si P-Digong, hindi siya makatulog at hindi mapakali.
Paano kung maubos ang cash ng gobyerno?
Paano kung hindi na makabalik sa trabaho ang mga obrero?
Paano?
◘◘◘
SA kasaysayan, ang krisis sa ekonomiya ay nagbubunsod ng giyera-mundial.
Papayag ba ang U.S. na makaporma ang China?
No way!
Comments