top of page

Bentang-benta sa fans, todo-paniwalang totohanan na… Ken, idinaan sa kanta ang feelings kay Rita

  • Vinia Vivar
  • Sep 10, 2019
  • 1 min read

Kinilig ang mga fans nina Rita Daniela at Ken Chan (RitKen) sa post ng aktor sa Instagram na tila sa kanta idinadaan ang nararamdaman sa kapareha.

Nag-post ng larawan nila ni Rita si Ken na napaka-sweet ng posing at sa caption ay naglagay ng ilang linya mula sa kantang Kaba ni Tootsie Guevarra.

“‘Di ko malaman ang nadarama sa tuwing ika’y aking nakikita, may kung ano sa damdamin at abut-abot ang kaba. Sa araw-araw ay nagtataka ang puso kong ito o bakit ba, ang kilos ko’y nababago na halos na ‘andiyan ka na,” caption ni Ken.

Tanong tuloy ng mga netizens, totohanan na raw ba ito at sana raw ay totohanin na’t huwag nang idaan pa sa kanta.

Bukod sa totohanang relasyon, ang isa pang inaabangan ngayon ng RitKen fans ay ang upcoming teleserye ng dalawa sa GMA-7 na One of the Baes na eere na ngayong Setyembre.

Gagampanan ni Ken sa serye ang role na environmental vlogger na si Grant habang si Rita naman ay si Jowa na isang maritime student.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page