top of page

Babala ng experts... PAGTULOG NANG NAKABUKAS ANG TV O ILAW, BAD SA HEALTH!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 17, 2019
  • 1 min read

KABILANG ba kayo sa mga beshy natin diyan na dehins nakatutulog nang walang liwanag na naaaninag? Naku, ayon sa mga eksperto, ang ganitong nakasanayan ay maaaring humantong sa obesity dahil nako-confused nito ang inyong body clock. Weh, ‘di nga?

Nagbabala ang mga siyentipiko hinggil sa pagtulog nang nakabukas ang TV o ilaw dahil anila, 17 porsiyento sa mga taong nakasanayan ang gawaing ito ay nadagdagan ang timbang.

Gayunman, para lalong maging malinaw ang pag-aaral, ang mga researcher ay nag-obserba ng kababaihan sa loob ng limang taon.

Sa pag-aaral, sinabi ng ilang kababaihan na madalas silang nae-exposed sa ilaw sa tuwing sila ay natutulog kung saan naaapektuhan nito ang kanilang hormones.

Samantala, ang artificial light na ating naaaninag sa tuwing tayo ay natutulog ay nakaaapekto umano sa metabolism kung saan nai-increase nito ang metabolic syndrome.

Dahil dito, bumabagal ang pagtunaw ng ating mga kinain at nagreresulta ito ng obesity o sobrang katabaan.

Kaya, hangga’t kaya ninyong matulog nang tahimik at walang istorbo, gawin ninyo, makabubuti rin na wala kayong liwanag na naaaninag, mga besh!

Ngayong alam na natin ang epekto ng ganitong gawain, make sure na magiging lesson na ito sa atin, gayundin, malaki ang maaari ninyong matipid, lalo na ngayong tumaas na ang singil sa kuryente.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page