Teroristang ‘maute’ sumurender
- Pabs Hernandez III
- Nov 7, 2018
- 1 min read
LANAO DEL SUR—Isang teroristang miyembro ng “Maute Group” ang sumuko sa mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Tambac Mantapoli, Lumbatan sa lalawigang ito.
Ang sumuko ay si Camal Tawakal, residente sa nabanggit na bayan.
Ayon kay Tawakal, nais na umano niyang magbagong-buhay at makapiling ang kanyang pamilya kaya nagbalik-loob siya sa pamahalaan.
Isinasailalim na ng mga awtoridad si Tawakal sa taktikal na interogasyon upang mabatid kung bukal sa loob nito ang pagsuko sa pamahalaan.




Comments