20 simpleng kahilingan sa PHL sports sa 2020 Part 2
- A. Servinio
- Dec 30, 2019
- 2 min read

Malampasan ang mga suliranin para sa ASEAN Para Games at maraos ito sa Marso.
Ipinakita ang husay ng pagiging punong abala ng Pilipinas sa SEA Games at hindi malayo na ipamalas nila ito muli sa Para Games.
Yumabong muli ang eksena ng mga fun run lalo na sa Kalakhang Maynila. Kaya maulit ang pagsikat ng takbuhan sa nakaraang dekada para sa isang malusog na komunidad.
Hindi lang ang fun run ang palaro na puwedeng lahukan ng masa, puwede ring isama sa listahan ang Cycling. Sana ay mas maraming magsimula ng mga malaking padyakan para sa lahat at hindi lang para sa mga propesyonal gaya ng PRURide PH.
Isang matatag na liga para sa kababaihan matapos ang unang ginto ng Lady Gilas sa SEA Games.
Maaring ihambing ito sa pagbukas ng WNBA sa Estados Unidos matapos ang tagumpay ng Team USA sa 1996 Atlanta Olympics.
Manatili ang PBA bilang pangunahing liga ng basketball at mapuno ng manonood araw-araw ang kanilang mga laro at tumaas ang dami ng nanood sa telebisyon.
Ang PBA pa rin ang pinakamataas na pangarap ng lahat ng basketbolista na maabot.
Ang pagpasok ng mga rookie ay tiyak magbibigay ng bagong sigla at mga bagong bituin na makikilala. Sana ay ngayon pa lang ay masanay na ang mga rookie sa kanilang maagang tagumpay at masalin ito sa mahabang karera sa liga.
Ang PBA D-League ang nag-iisang liga na daan patungong PBA. Sana ay makabawi ang liga sa 2020 at dumami muli ang mga tagahanga tuwing may laro.
Dumami ang mga kumpanya at negosyante na magbibigay ng tulong sa palakasan, pera man o materyal na bagay. Mas malaki ang balik ng munting gastos na ito at ito ay tiyak na masusulit.
Magkaroon ng mas maraming oras ang malaan sa telebisyon para sa mga timpalak ng palakasan. Makatutulong ito para sa mas malusog at matalinong manonood.
Bilang pangwakas, nakita noong SEA Games na maraming larangan ng palakasan na puwedeng maging kampeon ang Pinoy, hindi lang ang basketball. Sana all sports ay bigyan ng pantay na atensiyon ng mga opisyal at mga tagahanga kasi sa dakong huli, iisang bandila lang ang dala ng mga atleta.





Comments