top of page
Search
  • Nitz Miralles

Bimby, ‘di ma-take na kamukha ang padir na si James, todo-palag sa netizen

Nitz Miralles / Bida

Hindi nga pumayag si Kris Aquino na walang handa sa 13th birthday ng anak na si Bimby at sa kanyang post, makikita ang dalawang birthday cakes, may barbecue, cold cuts platter, cheese at ang ginawa ni Kris na baked spaghetti.

Nasa Aninuan Beach Resort sa Puerto Galera pa rin sina Kris dahil hindi pa sila nakakabalik ng Manila. Marami ang bumati kay Bimb na ipinadaan sa Instagram (IG) ni Kris at sa ilang birthday greetings sa kanya, si Bimby ang sumagot, hiniram ang cellphone ng ina.

Kaya ang birthday greetings nina Iza Calzado, sinagot ni Bimby ng “@missizacalzado Tita Iza, hope you’re now healthy, Love Bimb” at ganu’n din ang birthday greetings ni Mariel Rodriguez.

'Kaaliw ang sagot ni Bimby sa birthday greetings ng hairdresser ni Kris na si Jonathan Velasco dahil sabi nito, “@jonathanvelasco- Thank you so much Jonathan. Mama wants to cut my hair, ikaw na lang, please?”

Si Bimby din ang sumagot ng comment ng netizen na “Mas hawig na niya si daddy n'ya nu'ng pumayat siya.”

Sabi ni Bimby, “Sorry to correct you po, this is Bimb. I don’t look like my father-sorry again po (I’m taking over Mama’s IG tonight).”

Anyway, sa muling pagbisita namin sa IG ni James Yap kung saan binati nito si Bimby ng "Happy birthday," may nag-comment in Bisaya na “Mingaw na ka Bai? (Ibig sabihin, kung nami-miss na raw ba niya si Bimby). Don’t worry, someday hahanapin ka n'yan even without his mom’s permission. Believe me.”

Sagot dito ni James, “Unta Bai puhon” na ang ibig sabihin, nami-miss na nga niya ang anak at hopefully, magkita sila.

♥♥♥

Panay ang luto ni Eric Quizon sa kanyang bahay at isa sa mga iniluto niya ay ang Vigan longganisa na may nag-react at sinabihan siyang “CALORIES” na sinagot ni Eric ng “Sorry, I want to eat!!! That is why I exercise everyday.”

Oo nga naman, bakit nga naman pipigilan ni Eric ang sarili na kainin ang gusto kung may paraan naman para hindi siya tumaba? As for Eric, naghihirap siyang mag-exercise everyday para hindi tumaba kahit ang sarap ng mga iniluluto niya.

Marami nga ang nainggit sa inilutong Picadillo ni Eric na marami para sa isang tao, pero sabi nito, puwede niyang initin o gawing ibang putahe ito. Katuwa ang sinabi nitong mahirap mag-isis ng kawali.

Marunong ding magluto si Eric ng pasta, pinakbet at nagprito ng favorite niyang galunggong, shrimps at iba pang putahe.

Naabutan ng lockdown sa Pilipinas si Eric, hindi siya nakalipad pa-California to be with his family and be present sa birthday ng sister niyang si Donna. Hindi na rin muna siya nakabalik sa Hong Kong kung saan may trabaho at may place siya.

Matagal-tagal pa yata ang ECQ, marami pang dishes na lulutuin si Eric at marami pang gagayahin ang kanyang mga followers.

♥♥♥

Ruby, umaming ‘di na nakita ang katawan ng namatay na utol na doktor dahil sa COVID-19

Nagpasalamat si Ruby Rodriguez sa mga nag-message at nagpadala ng condolences after ng airing sa Kapuso Mo, Jessica Soho ng segment tungkol sa mga doktor na namatay dahil sa Covid-19.

Kabilang ang kapatid ni Ruby na si Dr. Sally R. Gatchalian sa mga namatay dahil sa deadly virus na ito. Nakakaiyak ang kuwento ni Ruby lalo na nang sabihing nakita na lang niya ang kapatid sa body bag at ibinigay na lang sa kanila ay ang urn na naglalaman ng ashes ng kapatid.

“Thank you sa lahat ng nice and kind words n'yo. Mahirap talaga, masakit but we all have to keep the faith. Thank you, Ms. Jessica Soho for honoring my beloved sister, Dr. Sally Gatchalian.”

Nakakaiyak din ang kuwento ng pamilya ng iba pang doktor na pumanaw dahil sa Covid-19. Maganda ang suggestion ng isang netizen na kapag wala na ang Covid-19, nararapat lang na bigyan ng honor ang fallen frontliners na biktima ng virus na ito.

♥♥♥

Nag-issue ng statement ang GMA News and Public Affairs bilang paglilinaw at itinanggi na boses ni Jessica Soho ang kumakalat na audio clip na nagbababala sa mga mangyayari sa COVID-19 quarantine.

"Circulating Audio Clip Is Not Jessica Soho.

“An audio clip purportedly from Jessica Soho is making the rounds on chat groups and social media. The woman in the audio clip warns of upcoming development to the COVID-19 quarantine.

"GMA News and Public Affairs clarifies that Ms. Soho is not the woman speaking in the audio clip. Ms. Soho has not made any pronouncements to such effect. We urge the public to refrain from sharing the clip which may mislead people.

"We encourage the public to follow official GMA News social media accounts and to visit www.gmanews.tv/COVID19 for the latest verified updates on the coronavirus crisis and the ongoing quarantine."

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page