top of page

Unstable ang mga laro sa NCAA at UAAP: GAB sa TOPS session

  • A. Servinio / MC
  • Jan 16, 2020
  • 1 min read

Nadamay ang mga torneo ng kolehiyo dahil sa pagputok ng Bulkang Taal. Unang nagpasya ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) na iliban ang pinagsamang 12 laro nila sa Volleyball noong Lunes at Martes sa FilOil Flying V Centre.

Sinundan ito ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na hindi tinuloy ang apat na laro sa Juniors Basketball kahapon ng Miyerkoles sa FilOil. Sabay ding inilipat ang petsa ng dalawang laro sa Juniors Football sa Rizal Memorial Stadium.

Sa Tanauan City, Batangas na mabigat na tinamaan ng pagbagsak ng abo at bato, hindi rin pinatawad ang 2019 Philippine Collegiate Champions League (PCCL) South Luzon qualifying games sa FAITH Gym mula Enero 14 hanggang 16 tampok ang Olivarez College, University of Batangas, De La Salle-Lipa at ang kampeon ng lalawigan ng Quezon. Pansamantalang nakatakdang laruin ang mga ito sa susunod na linggo.

Samantala, ano na ang balita sa Games and Amusement Board (GAB) at ano ang nais na ipabatid ng masipag chairman na si Abraham “Baham” Mitra ngayong 2020? Ang sagot ay malalaman ngayong araw (Jan. 16) sa muling pagbubukas ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayong unang forum ng taong 2020, ang 51st “Usapang Sports” sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page