top of page

Zac Efron, naaksidente sa swimming pool, naospital

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 4, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando @Entertainment News | August 4, 2024


Sports News
Photo: Zac Efron / IG

Isinugod sa ospital ang sikat na American actor na si Zac Efron matapos matagpuan sa swimming pool na humihingi ng tulong.


Kinumpirma ng kinatawan ni Efron sa TMZ na ang 36-taong-gulang na aktor ay dinala sa ospital sa Ibiza, Spain bilang pag-iingat na rin dito. Dagdag pa ng kinatawan nito, pinalabas na mula sa ospital nu'ng Sabado ng umaga si Zac at siya ay maayos na nagpapagaling.


Ayon sa ulat, natagpuan si Efron sa isang pool ng dalawang staff ng isang villa sa Ibiza na silang humila sa aktor paalis sa pagkakalubog sa tubig.


Wala pang update ngayon patungkol sa kalagayan ni Efron ngunit kamakailan lang ay abala ito sa paglalakbay sa Europa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page