top of page
Search
  • BULGAR

“Your Name,” mapapanood na sa Netflix

ni Ronalyn Seminiano Reonico - @Life & Style | July 3, 2020




Heads up mga anime lovers out there!


Good news dahil muli na naman nating makakasama sina Taki and Mitsuha dahil ang "Your Name" o "Kimi no Na wa" ay mapapanood na sa Netflix ngayong buwan, July 10 kaya mark your calendars na guys!


Si Mitsuha Miyamizu ay isang high school girl na gustong maranasan ang mamuhay sa City of Tokyo.


Samantala, si Taki Tachibana na super busy sa buhay sa Tokyo, kahit high school pa lang ay nagtatrabaho na para sa pangarap niyang maging arkitekto.


Isang araw, pagkagising ni Mitsuha ay nagulat siya nang makita ang sarili na wala sa kanyang kuwarto. Natupad ang pangarap niyang maranasan ang Tokyo life pero sa katawan ni Taki.


Habang si Taki naman, siya ang naging Mitsuha sa countryside. Dahil dito, hinanap nila ang isa’t isa. So, ito ‘yung tinatawag na literal na body swap, ganern. Kaya ano pa ang hinihintay ninyo, guys! Sabay-sabay nating panoorin ang “Kimi no Na wa," okay!?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page