top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Xander Ford, ipinakilala na sa publiko ang BF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 23, 2020
  • 1 min read

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 23, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.

Sa isang video interview, titled "Xander Ford Interview with His Boyfriend," ipinakilala na ni Marlou Arizala, a.k.a. Xander Ford ang kanyang boyfriend matapos niyang ibulgar kamakailan ang pagiging bisexual niya.


Sa umpisa ng video, sey ni Xander habang katabi ang isang lalaking naka-mask, “I’m with my love one. Hindi ko siya ipapakita sa inyo kasi medyo nahihiya pa ako kasi medyo…private po ito. Private ‘yung kung ano man ‘yung meron. So, siya na ‘yun.”


May dalawang nag-interview kay Xander at sa kanyang BF. Nang matanong kung kailan nagsimula ang kanilang relasyon, kuwento ni Xander, "Magkabigan po kami since 2018 tapos nagkaka-chat na po kami. Then close na po kami and hindi pa kami nagmi-meet no’n then 2019, do’n na kami nag-meet. Tapos tropa kami. Sobrang magkaibigan ganon tapos nagbibigay ako sa kanya ng mga problema ko tapos siya rin nagbibigay sa akin ng problema.


“Advice-advice po kaming dalawa kaya nagkapalagayan po kaming dalawa.”


“‘Yung nalaman niya na ganito ako, sabi niya sa akin na parang mas naintindihan niya ako kaysa sa dami ng taong hindi ako naiintindihan so ako, naniwala ako sa kanya. Kaya ‘yung sinasabi po nila kung kailan naging kami, parang biglaan na lang na naramdaman namin.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page