Worried na manyakin ng manugang kaya atat lumipat ng bahay
ni Sister Isabel del Mundo - @MgaKuwentongBuhayatPag-ibig | September 5, 2022
Dear Sister Isabel,
Biyuda na ako at kasama ko sa bahay ang anak kong babae, gayundin ang pamilya niya.
Napapansin ko na parang kakaiba ang tingin sa akin ng manugang ko, lalo na ‘pag kami lang ang naiiwanan sa bahay. Nag-aaral pa ang mga apo ko at ‘yung mommy nila ang naghahatid sa kanila ‘pag may pasok, habang naiiwanan sa bahay ang manugang ko dahil siya ang nagluluto.
Gayundin, napansin ko na tuwing maliligo ako, nakasunod siya sa akin at may kakaibang tingin. Kunwari ay hindi ko napapansin, pero madalas kong mahuli na may malisya sa mga kilos niya, kaya hindi ako mapanatag.
Hindi ko naman masabi sa anak kong babae dahil tiyak na mag-aaway sila at hindi naman aamin ang manugang ko. Dahil dito, gusto ko nang bumukod, tutal ay may isa pa akong bahay sa probinsya na katabi lang ang bahay ng iba ko pang mga anak.
Sa palagay n’yo, Sister, ano ang dapat kong gawin? Hihintayin ko ang payo n’yo.
Nagpapasalamat,
Gloria ng Quezon City
Sa iyo, Gloria,
Base sa kuwento mo, nararamdaman kong mahirap nga ang kalagayan mo r’yan sa sarili mong bahay, kung saan kasama mo ang manugang at anak mong babae, gayundin ang mga bata.
Hindi mo man sabihin, marahil ay hindi ka pa matanda, kumbaga, may asim ka, kaya ganyan kung makatingin sa iyo ang manugang mo.
Gayunman, makabubuting ituloy mo ang iyong plano na tumira sa isa mo pang bahay sa probinsya na malapit sa bahay ng iba mo pang mga anak. Sa palagay ko ay kaya mo namang mamuhay nang mag-isa. Mas magiging safe ang kalagayan mo ru’n kaysa may mangyari pang hindi kanais-nais sa inyong dalawa ng manugang mo.
Sabihin mo na lang sa anak mong babae na magbabakasyon ka muna sa probinsya at nami-miss mo na ang mga kapatid niya at ang mga apo mo ru’n. Tsaka mo na lang sabihin na nagustuhan mo nang tumira ru’n at dumalaw-dalaw ka na lang sa kanila.
Sa ganyang paraan, mapapanatag na ang isipan mo at hindi ka na matatakot na makaisip ng kahalayan ang manugang mo na kasama mo sa dati mong bahay.
Patnubayan ka nawa ng Diyos Amang Makapangyarihan.
Sumasaiyo,
Sister Isabel del Mun




Comments