top of page
Search
  • BULGAR

Wood Horse, sisikat sa career, pero may babala ng mga intriga

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | July 2, 2020


Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign ngayong taon, tatalakayin naman natin ang ugali at magiging kapalaran ng mga isinilang sa Year of the Horse ngayong Year of the Metal Rat.

Alalahaning ang Horse o Kabayo ay nahahati sa limang uri batay sa taglay nilang elemento. Ang iba’t ibang uri ng Kabayo base sa taglay niyang elemento ay ang mga sumusunod:


  • Metal Horse o Bakal na Kabayo - silang mga isinilang noong 1930 at 1990

  • Water Horse o Tubig na Kabayo - silang mga isinilang noong 1942 at 2002

  • Wood Horse o Kahoy na Kabayo - silang mga isinilang noong 1954 at 2014

  • Fire Horse o Apoy na Kabayo - silang mga isinilang noong 1966

  • Earth Horse o Lupa na Kabayo - silang mga isinilang noong 1978 at 1938

Noong nakaraang mga isyu, tinalakay natin ang magiging kapalaran ng Metal Horse at Water Horse at ngayon naman, dadako tayo sa ikatlong uri ng Horse o Kabayo, base sa taglay niyang elemento na Wood Horse o Kabayong Kahoy.


Sinasabing papaganda nang papaganda ang aspetong career at pangkabuhayan ngayong 2020 kung saan makakatanggap ka ng iba’t ibang uri ng tulong at suporta mula sa malalapit at malalayong lugar. May mga pagkakataon din na lalo kang sisikat at makikilala sa larangan na iyong kinabibilangan, ngunit ang magiging kasabay nito ay masusuot ka sa mga intriga at hindi pagkakaunawaan. Ang mahalaga sa ganitong sitwasyon, panatiliin mo ang pagpapasensiya at pagpapakumbaba dahil kung makikipag-away ka at papansinin mo ang mga intriga at naninira sa iyo, masasayang ang napakagandang kapalarang hatid sa iyo ng 2020, lalo na sa huling quarter ng taon.


Ingatan mo rin ang iyong kalusugan sa taong ito dahil bagama’t tuluy-tuloy na aangat ang aspetong pangkabuhayan, may babala ng manaka-nakang karamdaman na maaaring maging hadlang upang mas matamasa mo ang masarap at maalwan buhay na ipagkakaloob sa iyo ng langit sa buong 2020.


Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, ang pananatili sa buo at masayang pamilya ay higit na mahalaga kaysa sa anumang bagay sa panahong ito ng iyong buhay. Kaya naman, anumang hindi pagkakasundo sa pagitan ng pamilya ay dapat resolbahin agad. Sapagkat kapag buo at laging nagkakasundo ang inyong pamilya, tulad ng naipaliwanag na, ngayong 2020, marami pang mga biyaya at pagpapala ang darating sa buong mag-anak, higit lalo sa mga huling buwan ng 2020.


Sa pangkalahatan, magiging maunlad at masagana ang karanasan mo ngayong 2020, bagama’t may ilang mga pagtatalusira ng kaibigan na mararanasan, ngunit sa panahong ito, higit mong makikilala ang mga tunay at hindi tunay na kaibigan. Tulad ng antigong kasabihan at gabay ng mga paham, hayaan mong mawala ang mga kaibigang hindi tunay upang mabawasan ang iyong daladalahan at bigat ng kalooban, habang ingatan mo naman ang mga tapat at mabubuting kaibigan dahil sa totoo lang, sila ang palaging tutulong at magmamahal sa iyo, gayundin ang magbibigay sa iyo ng mas maraming suwerte at magagandang kapalaran sa panahong ito ng iyong buhay, partikular sa buong taon.

Itutuloy

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page