@Balitang Probinsiya | November 26, 2023
AKLAN -- Isang Piso WiFi vendo machine ang ninakaw ng mga kawatan kamakalawa sa Brgy. Tinigaw, Kalibo sa lalawigang ito.
Hindi na pinangalanan ng pulisya ang may-ari ng Piso WiFi vendo machine na ninakaw ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa nasabing barangay.
Ayon sa biktima, pagkagising niya ng umaga ay wala na ang kanyang Piso WiFi vendo machine na nakakabit sa labas ng kanilang bahay.
Napag-alaman na ang naturang Piso WiFi vendo machine ay nagkakahalaga ng P15,000.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad para makilala at madakip ang mga nagnakaw sa nasabing Piso WiFi vendo machine.
Comments