top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Welder na pusher, huli sa drug-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 23, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 23, 2023


AKLAN -- Isang welder na drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga operatiba kamakalawa sa Bgy. Tacas, Pontevedra sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek na si Roland Bermejo, 37, residente ng nabanggit na barangay.


Napag-alaman na may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng umano’y shabu si Bermejo kaya agad nagsagawa ng drug-bust operation ang mga ito na naging dahilan upang madakip ang suspek.


Ayon sa ulat, nakakumpiska ang pulisya ng 25 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page