top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Welder na pusher, huli sa buy-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 2, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 02, 2023


AKLAN -- Isang welder na drug pusher ang nadakip sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Balabag, Malay sa lalawigang ito.


Ang nadakip na suspek ay nakilalang si Sonny Dumahod, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.


Nabatid na naaresto ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing lugar matapos na pagbentahan ng umano’y shabu ang mga operatibang nagpanggap na buyer ng droga.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 4.5 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page