Welder, dedbol sa kuryente
- BULGAR
- Sep 10, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 10, 2023
CAMARINES SUR -- Isang welder ang namatay nang makuryente sa bubong ng ginagawa niyang bahay kamakalawa sa Bgy. Sto. Tomas, Magarao sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Emmanuel Ipatamon, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nagwe-welding si Ipatamon sa bubong ng ginagawa niyang bahay ay napahawak ito sa isang live wire.
Napag-alaman na dahil sa lakas ng kuryenteng tumama kay Ipatamon ay nagtamo ito ng 3rd degree burns sa buong katawan.
Agad dinala ng mga residente si Ipatamon sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments