Wanted sa Tarlac, tiklo sa Eastern Samar
- BULGAR
- Dec 17, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 17, 2022
EASTERN SAMAR—Isang lalaking wanted sa Tarlac ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. San Saturnino, Borongan City.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Arnel Norombaba, 47-anyos at pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng mga awtoridad si Norombaba sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong illegal recruitment sa Tarlac.
Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek nang dakpin siya sa nasabing lugar.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments