top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Wanted sa sorsogon, tiklo sa laguna

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 16, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 16, 2023



LAGUNA -- Isang wanted na construction worker sa Sorsogon ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Landayan, San Pedro City sa lalawigang ito.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jesus Briones, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.

Napag-alaman na dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 3-counts ng kasong sexual abuse sa Sorsogon.

Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Briones kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at nadakip ang suspek.

Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page