Wanted sa Muntinlupa City, arestado sa Cavite
@Balitang Probinsiya | November 11, 2022
CAVITE—Isang most wanted sa Muntinlupa City ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Poblacion 1, General Mariano Alvarez.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Joepet Cachuela, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng mga awtoridad ang suspek sa Cavite kaugnay sa kinahaharap nitong kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Muntinlupa City.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa naturang barangay.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments