top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Wanted sa Laguna, tiklo sa Romblon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 21, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 21, 2023


ROMBLON -- Isang wanted na drug pusher sa Laguna ang nadakip ng mga awtoridad kamakalawa sa pantalan ng Odiongan sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Victor Aragon, nasa hustong gulang, at pansamantalang nakatira sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa kinaroroonan ni Aragon kaya agad rumesponde ang mga ito at nahuli ang suspek.


Kusang sumama ang suspek sa mga awtoridad nang dakpin siya sa nasabing lugar.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page