Wanted sa Isabela nasakote sa Quezon
- BULGAR
- Nov 19, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 19, 2022
QUEZON—Isang notoryus na wanted sa Isabela ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Lumingon, Tiaong.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Michael Sinuto, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, matagal nang pinaghahanap ng pulisya ang suspek dahil sa kaso nitong murder sa Isabela at kamakalawa lang ito natiyempuhang dakpin sa kanyang hideout sa Quezon.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa naturang lugar.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments