top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Wanted sa child abuse, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 14, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 14, 2023


AKLAN -- Isang 19-anyos na binata na wanted sa kasong child abuse ang dinakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Fulgencio, Balete sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng mga awtoridad na si Markier Manalo, nakatira sa nabanggit na barangay.


Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa ginawa nitong pang-aabuso sa isang bata sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nakita ng mga awtoridad ang suspek na umuwi sa kanilang bahay kaya agad nila itong pinuntahan at dinakip.


Kusang sumama sa pulisya ang suspek nang ito ay arestuhin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page