Wanted sa Capiz, timbog sa Iloilo
@Balitang Probinsiya | February 21, 2021
ILOILO—Isang most wanted criminal sa Capiz ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Tanza, Baybay.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Teody Alvarez, pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.
Napag-alamang inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong reckless imprudence resulting to serious physical injury sa Capiz.
Nabatid na may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ni Alvarez kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments