top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Wanted sa Camarines Norte, tiklo sa Laguna

BULGAR
Nov 27, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 27, 2022


LAGUNA—Isang notoryus na wanted sa Camarines Norte ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa San Pablo City.


Kinilala lang muna ng pulisya ang suspek sa alyas na Ken, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, matagal nang pinaghahanap ng pulisya ang suspek dahil sa kaso nitong attempted homicide sa Daet, Camarines Norte at kamakalawa lang ito natiyempuhang dakpin sa kanyang hideout sa Laguna.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page