top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Wanted sa bulacan, tiklo sa Laguna

BULGAR
Nov 10, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 10, 2022


LAGUNA—Isang notoryus na wanted sa Bulacan ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Lumban.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Enrico Cruz, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, matagal nang pinaghahanap ng pulisya ang suspek dahil sa kaso nitong homicide at attempted homicide sa Guiguinto, Bulacan, at kamakalawa lang ito natiyempuhang dakpin sa kanyang hideout sa Laguna.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa naturang lugar.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page