top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Wanted sa Batangas arestado sa Rizal

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 28, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | March 28, 2023



RIZAL—Isang wanted na holdaper sa Batangas ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. San Andres, Cainta sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek na si John Adrian Liwag, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong robbery sa Batangas.


Napag-alaman na may nag-tip sa pulisya sa pinatataguan ni Liwag kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.


Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page