Wanted sa Albay, natimbog sa Nueva Ecija
- BULGAR
- Jun 1, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 1, 2023
NUEVA ECIJA—Isang most wanted criminal sa Albay ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Pangatian, Cabanatuan City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong Acts of Lasciviousness sa Albay.
Nabatid na matagal nang pinaghahanap ng pulisya ang suspek at kamakalawa lang ito natiyempuhang madakip.
Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments