Wanted sa albay, nasakote sa Laguna
@Balitang Probinsiya | Pebrero 13, 2023
LAGUNA—Isang most wanted criminal sa Albay ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Poblacion, Calamba City sa lalawigang ito..
Itinago muna ng mga awtoridad ang suspek sa pangalang "Jessie" habang iniimbestigahan pa ito sa himpilan ng pulisya.
Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong frustrated murder sa Albay.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad rumesponde ang mga operatiba at inaresto ito sa nasabing barangay.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments