Wanted sa Aklan, timbog sa Romblon

@Balitang Probinsiya | January 28, 2021
ROMBLON—Arestado ang isang most wanted criminal sa Aklan kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Lindero, San Jose.
Ang suspek ay nakilalang si Renante Gabinete, pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong attempted homicide sa Aklan.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Gabinete kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng pulisya sa nabanggit na barangay.



Comments