Wanted, nasakote sa hideout

@Balitang Probinsiya | November 7, 2020
KALINGA—Isang most wanted criminal ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Tabuk City.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Argie Nalog, pansamantalang nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong mga kasong Anti-Violence Against Women and Children sa nasabing lalawigan.
Nabatid na nakita ng mga nagpapatrulyang pulisya si Nalog sa nasabing lugar kaya agad itong inaresto ng mga awtoridad.
Hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya sa naturang lugar.



Comments