top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Wanted nag-agaw ng boga, dedo sa shootout

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 7, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | September 7, 2020



MAGUINDANAO — Isang notoryus na most wanted ang napatay nang mang-agaw ng baril ng pulis at makipagbarilan sa mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Bugasan Sur, Matanog.


Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Itek Dumran, nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad si Dumran kaugnay sa mga kinasasangkutan nitong kaso sa lalawigan, pero bigla nitong inagaw ang baril ng operatiba at pinagbabaril ang pulisya.


Dahil dito, gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya at nang tamaan ng bala si Dumran ay nabitiwan na nito ang baril na inagaw niya sa isang pulis.


Dinala pa ng mga awtoridad ang suspek sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page