Wanted na tulak arestado
@Balitang Probinsiya | March 15, 2023
CAPIZ—Isang wanted na drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Tanza Sur, Panay sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Frankie Bertuldo, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa drug-bust operation sa nasabing lugar.
Nabatid na matagal nang pinaghahanap ng pulisya ang suspek dahil sa pagbebenta nito ng droga sa naturang lalawigan.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga operatiba.



Comments