Wanted na tanod, nasakote
@Balitang Probinsiya | April 28, 2023
BUKIDNON—Isang wanted na barangay tanod ang naaresto ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Paitan, Quezon sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Bryan Belgira, 38, at pansamantalang nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kasong murder na kinasasangkutan ni Belgira.
Nabatid na may nag-tip sa pulisya sa lugar na pinagtataguan ni Belgira kaya agad rumesponde ang mga operatiba na naging dahilan kaya nadakip ang suspek.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments