Wanted na sekyu nasakote
@Balitang Probinsiya | Pebrero 2, 2023
SORSOGON—Isang wanted na security guard ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Bororan, Donsol sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si John Orlie Quinones, 28-anyos, at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa mga kinasasangkutan nitong illegal possession of firearms and ammunitions.
Nabatid na nakita ng mga awtoridad si Quinones na umuwi sa kanilang bahay kaya agad itong dinakip sa naturang lugar.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments