top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Wanted na sabungero arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 22, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 22, 2023


AKLAN — Isang wanted na sabungero ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Catmon, Altavas sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek na si Crisologo Valero, 59, residente ng nasabing barangay.

Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong illegal gambling.


Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa pulisya na umuwi sa kanilang bahay ang wanted na sabungero kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page