Wanted na retiradong sundalo, tiklo
@Balitang Probinsiya | February 18, 2022
CAPIZ--Isang wanted na retiradong sundalo ng Philippine Army (PA) ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. San Antonio, Cuartero.
Kinilala ng pulisya ang suspek si Juan Dordas, 62-anyos, at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong attempted homicide sa lalawigan.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Dordas, kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang supek.
Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments