Wanted na rapist sa Albay, tiklo sa Zambales
@Balitang Probinsiya | November 14, 2021
ZAMBALES—Isang most wanted na rapist sa Albay ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Guinabon, Sta. Cruz.
Itinago muna ng pulisya ang suspek sa pangalang “Ian” habang iniimbestigahan ito.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa Polangui, Albay.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang rapist.
Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments