top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Wanted na rapist, huli sa hideout

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 4, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 4, 2023


CAMARINES NORTE -- Isang wanted na rapist ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Bagacay, Labo sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ng ma awtoridad ang suspek habang iniimbestigahan pa.


Napag-alaman na dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape at acts of lasciviousness sa lalawigan.


Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad nila itong sinalakay at inaresto ang rapist.


Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page