Wanted na rapist, huli sa hideout
@Balitang Probinsiya | June 13, 2023
ILOILO -- Isang wanted na rapist ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Poblacion, Anilao sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Erc Ehar, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Napag-alaman na dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape at acts of lasciviousness sa lalawigan.
Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang rapist.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments