top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Wanted na rapist huli sa hideout

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 20, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 20, 2023


PALAWAN—Isang most wanted na rapist ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Bohol, Dumaran sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek na si Arnel Abis, 51, at pansamantalang nakatira sa nabanggit na bayan.


Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.


Ayon sa ulat, may nagbigay ng impormasyon sa pinagtataguan ng rapist kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.


Nakapiit na ngayon ang suspek sa himpilan ng pulisya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page