top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Wanted na rapist huli sa hideout

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 5, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 5, 2023


ALBAY – Isang wanted na rapist ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Bitano, Legazpi City sa lalawigang ito.


Itinago muna ng pulisya ang suspek sa alyas na "Jojo" habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.


Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.


Ayon sa ulat, may nag-tip na residente sa pinagtataguan ng rapist kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.


Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page