Wanted na rapist, huli sa hideout
@Balitang Probinsiya | December 18, 2021
CAPIZ—Isang most wanted na rapist ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Agmalobo, Ivisan.
Kinilala ng pulisya ang suspek si Oliver Tugna, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Tugna kaya nadakip ang suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments