top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Wanted na rapist, huli sa hideout

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 27, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | Oct 27, 2021



TARLAC--Isang wanted na rapist ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Concepcion.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si June Canoy, 30-anyos at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong panggagahasa sa lalawigan.


Ayon sa ulat, nakita ng mga nagpapatrulyang operatiba ang suspek sa nasabing lugar kaya agad itong dinakip.


Hindi naman nanlaban ang suspek nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page