Wanted na rapist, arestado sa hideout
- BULGAR
- Sep 22, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 22, 2023
AKLAN -- Isang wanted na rapist ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Cogon, Malinao sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Eduard Adiation, 48, at pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Napag-alaman na hinuli ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa nasabing lalawigan.
Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad nila itong sinalakay at dinakip ang manyakis.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments